Plano sa pagbabago ng daloy ng traffic sa EDSA ilalabas sa susunod na linggo – MMDA

Maghanda na, mga motorista! Inanunsyo ng MMDA na isang malaking pagbabago sa traffic scheme ang ilalabas sa susunod na linggo bilang bahagi ng EDSA rehabilitation project.
Sa pulong ng MMDA at Metro Manila mayors, sinabi ni MMDA Chair Romando Artes na ang overhaul ng trapik ay alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos para sa mas maayos na daloy ng sasakyan. Kasama rito ang paglilinis ng alternate routes upang bawasan ang abala sa commuters.
Tiniyak naman ni DOTr Secretary Vince Dizon na planado ang proyekto para hindi masyadong pahirapan ang publiko. Ayon naman sa DPWH, bibilisan nila ang konstruksyon para matapos bago ang ASEAN Summit sa 2026. | via Lorencris Siarez | Photo via MMDA

D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *