Nagsagawa ng inspeksiyon at security audit ang mga tauhan ng Department of Transportation-Office of Transportation Security (DOTr-OTS) kasama ang Metropolitan Manila Development Authority sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Sinuri ng mga awtoridad ang mga bus at driver, command center ng terminal, mga nakukumpiskang gamit mula sa pasahero, capsule hotel, at ang LRT-PITX station.
Sa panig ng MMDA, sinabi ni General Manager Nicolas Torre III na target ng ahensiya na maging ligtas ang biyahe ng mga pasahero lalo’t papalapit ang Semana Santa.
Ani naman ni OTS Usec. Gilbert Cruz, magdadagdag sila ng mga tauhan na idedeploy sa anim na lugar sa terminal, pati na K-9 units at karagdagang CCTVs, x-ray machines, at scanners.
Bahagi ang security audit ng maagang paghahanda ng mga ahensya para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Holy Week. | via Joana Luna, D8TV News
