PITX, nakapagtala ng 180,000 pasaherong tungo sa mga probinsya bago ang Pasko

Mahigit 180,000 pasahero na ang naitala sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na bumiyahe pauwi sa kani-kanilang probinsya para sa Pasko.

Ayon sa huling ulat nang Lunes ng gabi, hindi pa fully booked ang mga biyahe sa bus terminal, pero inaasahang dadami pa ang mga uuwi sa mga susunod na araw.

Sa ngayon, 33% pa lang ang bookings para sa Visayas at Mindanao, habang lampas 72% na ang punuan ng mga bus papuntang Bicol.

Paalala ng mga awtoridad sa mga biyahero, maglaan ng sapat na oras dahil sa pila para sa security check at ticketing.

Bukod sa biyahe, may mga tindahan din sa PITX para sa last-minute shopping ng pasalubong, damit, at pagkain.

Marami sa mga pasahero ang hindi ininda ang siksikan at mahabang pila dahil mas nangingibabaw sa kanila ang saya at pananabik na makasama muli ang pamilya ngayong Pasko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *