Pinuri ng mobility advocates ang DOTr na priority ang public transport
Pinuri ng Move As One Coalition si Transportation Secretary Vince Dizon sa matibay na paninindigan na dapat bigyang-prayoridad ang pampublikong transportasyon sa mga lansangan.
Sa kabila ng pahayag ng DPWH na isasara ang EDSA Bus Carousel para sa rehabilitasyon, nilinaw ni Dizon na mananatili itong bukas—bagamat may kaunting adjustments depende sa construction sites.
Ayon sa grupo, 94% ng mga Pilipino ay walang sariling sasakyan at nakadepende sa pampublikong transportasyon, kaya’t tamang unahin ang kapakanan ng mas nakararami.
Naniniwala ang koalisyon na mas marami pang magagawa sa ilalim ng pamumuno ni Dizon upang gawing mas ligtas at episyente ang biyahe ng publiko. | via Lorencris Siarez | Photo via pna.gov.ph
Pinuri ng mobility advocates ang DOTr na priority ang public transport
