Nanawagan ang Department of Education (DepEd) sa mga pribadong kumpanya at komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela 2025 na gaganapin mula Hunyo 9 hanggang 13, bago ang pormal na pagbubukas ng klase sa Hunyo 16.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mismo ang mangunguna sa pagsisimula ng nationwide school cleanup at repair drive.
“Tulong-tulong tayo para sa mga paaralan!” pakiusap ni Angara sa publiko, kasabay ng pasasalamat sa mga guro at volunteers. Nilinaw rin niyang hindi sapilitan ang anumang kontribusyong pinansyal mula sa mga magulang—“Bawal ang sapilitan, puwede lang kung kusang-loob,” giit niya.
Bago ‘yan! Inanunsyo rin ng DepEd na 800 paaralan ang sasailalim sa pilot testing ng bagong Senior High School curriculum ngayong taon!
Binawasan ang core subjects mula 15 pababa sa 5, kabilang ang Effective Communication, Life and Career Skills, General Mathematics, General Science, Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino.
Pinalitan din ang SHS strands ng clusters of electives para sa mas malayang pagpili ng landas: kolehiyo, trabaho, negosyo o skills training. Bida na ang estudyante sa sariling kinabukasan! | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV