Pinatigil na ni Mocha Uson ang paggamit ng kanyang campaign jingle

Pinatigil na ni Mocha Uson ang paggamit ng kanyang campaign jingle bilang pagsunod Commission on Elections (COMELEC), matapos umani ng batikos ang nasabing jingle dahil sa “Sexually suggestive elements” nito.


Ayon sa COMELEC, ang mga “puns” at “double meaning” ay maaring gamitin sa pangangampanya ngunit hindi dapat nito nililihis ang political platform ng kandidato. Maaring mailihis ng “Sexually Suggestive Elements” sa kampanya ng kadidato ang usapin na dapat ay para sa mga polisiya, pamamalakad at sa kinabukasan ng kanilang nasasakupan. Ayon naman sa Open Letter ni Congresswoman Geraldine Roman para kay Uson, may kakayahan ang kandidato na gamitin ang kanyang “platform” para mas palakasin ang mga kababaihan ngunit tumaliwas ito sa prinsipyo ng mga women’s rights advocates.


Pagkatapos matanggap ni Uson ang sulat mula sa COMELEC ay agad niyang ipinatigil ang paggamit ng kaniyang jingle at kasalukuyang nire-review ang kanilang mga campaign materials upang masigurado na disente at angkop para sa public at electoral discourse ang kanilang mga campaign materials. | via Dann Miranda | Phot via Mocha Uson Distrito Tres FB Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *