Pinasuspinde ng DOTr ang kumpanya ng bus na sangkot sa aksidente sa NLEX

Ipinag-utos ng Department of Transportation (DOTr) ang preventive suspension ng isang kumpanyang may-ari ng bus na sangkot sa aksidente nitong Holy Monday. Nangyari ang insidente sa North Luzon Expressway (NLEX), kung saan bumangga ang bus sa isa pang sasakyan at nagdulot ito ng pagkasugat ng ilang pasahero.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, prayoridad ng ahensya ang kaligtasan ng mga pasahero, at ang suspensyon ay bahagi ng imbestigasyong isinasagawa ukol sa insidente. Isinasaalang-alang ng mga awtoridad ang mga posibleng pagkukulang sa panig ng driver at operator. Kinukumpirma rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Land Transportation Office (LTO) ang pagsunod ng kumpanya sa mga safety protocol at kung may kapabayaan. Kasama ang PNP-HGP, nagdagdag sila ng mga tauhan sa mga pangunahing lansangan at expressway sa bansa upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at seguridad ng mga motorista. Nagdagdag din ng presensya ang PNP sa mga matataong lugar para sa seguridad ng ating mga kabayan.

Muling iginiit ng DOTr ang kahalagahan ng mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin ng kaligtasan lalo na ngayong Semana Santa, kung kailan dagsa ang mga biyahero. Hinimok nila ang mga operator ng pampublikong transportasyon na tiyaking ligtas ang kanilang mga biyahe upang maiwasan ang mga kaparehong aksidente. | via Dann Miranda | Photo via PNA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *