Pinas nag-aalok ng $180,000 grant sa mga Hollywood filmmaker

Mag-aalok ang gobyerno ng grants na aabot sa P10 milyon para makahikayat ng Hollywood filmmakers na mag-shoot sa Pilipinas!
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ang programang ito ay bahagi ng Expanding the Bridge initiative, na layong itampok ang bansa bilang top destination para sa international productions. Bukod dito, may dagdag pang cash rebate na hanggang 25% sa ilalim ng Film Location Incentive Program ng FDCP.
“Hindi lang ito tungkol sa mura at magandang lokasyon—inaalok natin ang Hollywood ng creative partnership!” ani Trade Secretary Ma. Cristina Roque.
May inilaang P300 milyon na budget para sa insentibo sa local film industry, at plano pa itong doblehin! Target ng gobyerno na gawing world-class ang Philippine cinema at palakasin ang global presence nito. | via Allan Ortega | Photo via pna.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *