Pinas magpapadala ng emergency team sa Myanmar para tumulong

Magpapadala ng emergency team ang Pilipinas sa Myanmar matapos yanigin ng 7.7 magnitude na lindol tatlong araw na ang nakalipas.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, 114 personnel mula sa Department of Health, Bureau of Fire Protection, Armed Forces of the Philippines, at Metro Manila Development Authority ang tutulong sa search and rescue operations. Target nilang umalis sa Martes.
Isa ito sa pinakamalakas na lindol sa Myanmar sa loob ng isang siglo, na kumitil sa buhay ng 1,700 katao, ikinasugat ng 3,400, at nag-iwan ng mahigit 300 nawawala.
Apat na Pilipino sa Myanmar ang hindi pa rin natatagpuan, ayon sa Philippine Embassy sa Yangon. Sa Thailand naman, ligtas lahat ng mga Pilipino.
Sinabi ni Castro na mahigpit na binabantayan ng Pangulo ang sitwasyon at inatasan ang mga ahensya ng gobyerno na agad tumulong sa mga naapektuhan. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *