Pinaplano ng DOH na magbigay ng isang dose ng HPV vaccine sa mga batang babae

Pinaplano ng Department of Health (DOH) na bawasan sa isang dose ang bakuna kontra human papillomavirus (HPV) para mas maraming batang babae ang mabakunahan. Ayon sa DOH, mas praktikal ito para maabot ang mas maraming paaralan.
Ayon sa mga international experts, posible nang isang dose lang ang kailangan, pero pinag-aaralan pa ito ng DOH para matiyak na hindi mababawasan ang bisa ng bakuna. Kapag naaprubahan, plano nilang palawakin ang pagbabakuna sa mga batang babae sa Grade 4 at Grade 5.
Sa kasalukuyan, dalawang dose ang itinuturok sa mga batang 9-anyos para maiwasan ang cervical cancer—ang pangalawang pinakakaraniwang kanser sa kababaihan sa bansa. Target ng DOH na maabot ang 90% coverage ng HPV vaccine sa mga batang babae bago mag-15-anyos.
Noong 2024, mahigit 500,000 batang babae na Grade 4 ang nabakunahan sa ilalim ng school-based immunization program. Plano rin ng DOH na isama ang mga pribadong paaralan sa programa.
Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization, halos pareho lang ang bisa ng isang dose kumpara sa dalawang dose ng bakuna. Kung maaprubahan, asahan ang mas pinalawak na HPV vaccination program sa bansa. | via Allan Ortega | Photo via assistance.ph

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *