Humingi ng tawad si Jam Ignacio sa kanyang fiancée na si Jellie Aw matapos siyang akusahan ng pananakit. Ayon kay Ignacio, nagsimula ang insidente sa isang hindi pagkakaunawaan at pagod, ngunit hindi niya ito jina-justify. Humingi siya ng paumanhin kay Jellie at sa kanyang pamilya, lalo na sa ina nito.
Nangako siya na hindi na mauulit ang insidente at hiniling kay Jellie na ayusin nila ito nang pribado. Sinabi niyang mahal niya ito at gusto niyang matupad ang kanilang mga pangarap, kabilang ang pagbubuo ng pamilya.
Samantala, naglabas ng subpoena ang NBI laban kay Ignacio matapos magsampa ng reklamo si Jellie noong Pebrero 13, kasunod ng pagkalat ng kanyang mga larawan na may pasa at sugat sa mukha. Ayon kay Jellie, handa siyang magpatawad ngunit nais niyang managot si Ignacio sa kanyang ginawa. – via Allan Ortega
“Pinapangako ko sa ‘yo na hindi na mauulit ‘to” Jam Ignacio to fiancée, Jellie Aw
