Nanguna si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Lunes sa pagsira ng halos tatlong milyong smuggled na electronic vapes na nagkakahalaga ng PHP3.26 bilyon sa Bureau of Customs (BOC) sa South Harbor, Port Area, Manila.
Ang mga nakumpiskang produkto, kasama ang mga vape, piyesa, at accessories, ay mula sa 10 magkakahiwalay na operasyon ng Port of Manila (POM), Manila International Container Port (MICP), at BOC Intelligence Group.
Ayon sa Pangulo, mahalaga ang mga operasyon na ito sa pagtugon sa ilegal na kalakalan, lalo na’t may kinalaman na sa mga menor de edad. Binanggit din ni Marcos ang patuloy na pagtaas ng mga nakumpiskang ilegal na vape.
Noong 2023, mahigit P3 bilyon na halaga ng mga ilegal na vape ang nakumpiska, at mula Enero hanggang Marso ng taong ito, patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasabat.
Tiniyak ng Pangulo na ang mga vapes na ito ay walang kaukulang permit, kaya’t hindi lang sila ilegal kundi may banta rin sa kaligtasan ng publiko. Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng administrasyong Marcos laban sa smuggling ng nicotine at non-nicotine products, alinsunod sa Republic Act No. 11900. | via Lorencris Siarez | Photo via RTVM screengrab
#D8TVNews #D8TV