May pag-asa pang magamot! Pinalakas ng Philippine Cancer Society ang ACT NOW campaign para magdala ng libreng cancer screening sa mas maraming barangay mula breast, cervical at prostate, ngayon pati liver at lung gamit ang AI!
32 Pinoy ang namamatay araw-araw sa breast cancer, isang buhay kada 2 minuto dahil sa cervical cancer. Dahil late na nadidiskubre kasi walang access sa screening sa maraming lugar.
Simula 2023, umabot na sa 381 barangay at 18,000 katao ang nasuri. May bago pang “30-Day Screening to Treatment” para mabilis ang gamutan at Patient Navigation Program para may gabay ang pasyente.
Tugma ito sa target ng WHO na bawasan ang cancer deaths bago mag-2030. Sabi ng PCS “Walang Pinoy ang dapat mamatay sa cancer na pwede namang maagapan.” | via Allan Ortega | Photo Courtesy of Region 1 Medical Center
#D8TVNews #D8TV