Pinakamalamig na temperature, naitala sa Metro Manila ngayong Amihan season

19.2 degrees centigrade ang pinakamababang temperatura na naitala sa Metro Manila ngayong Amihan season.

Naitala ito ng PAGASA ngayong araw sa Science Garden, Quezon City.

Gayunpaman, malayo pa rin ito sa pinakamalamig na rekord sa Metro Manila na 14.5°C noong Enero 11, 1914 sa Port Area, Maynila.

Bukod sa Metro Manila, siyam pang lugar ang nakaranas ng malamig na madaling-araw.

Baguio (12.4°C) ang pinakamalamig, kasunod ang Basco, Batanes (18°C), Tanay, Rizal (18.2°C), Malaybalay, Bukidnon (18.6°C), Sinait, Ilocos Sur (19.2°C), Laoag, Ilocos Norte (19.3°C), at Abucay, Bataan; Calayan, Babuyan Islands at Mulanay, Quezon (20.1°C).

Ayon sa Pagasa, mananatiling malamig ang panahon sa ilang bahagi ng bansa dahil sa amihan, lalo na sa Luzon at Visayas.

Sa susunod na 24 oras, inaasahan ang maulap na kalangitan at mahihinang ulan sa Cagayan Valley, Aurora, at Quezon.

Sa Metro Manila at Visayas, magiging bahagyang maulap hanggang maulap na may paminsang ambon.

Dagdag pa ng PAGASA, walang binabantayang low-pressure area o bagyo sa loob o labas ng PAR sa ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *