Pinaghihinalaang rocket debris mula sa China, narekober sa baybayin ng Ilocos Norte

Narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) ang umano’y rocket debris na may Chinese markings sa baybayin ng Barangay Saoit sa Burgos, Ilocos Norte nitong Linggo, November 9.

Ayon sa PCG, natagpuan ito ng kanilang mga tauhan habang nagpapatrolya para magbigay paalala sa mga mangingisda ng posibleng panganib dulot ng Bagyong Uwan.

Agad namang nakipag-ugnayan ang mga ito sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para sa ligtas na pagrekober at paghawak sa debris.

Nagbabala naman ang PCG sa mga mangingisda at residente sa lugar na huwag lumapit habang isinasagawa ng mga awtoridad ang pagsusuri at beripikasyon sa debris. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *