May balak ang Department of Transportation (DOTr) na alisin ang mga X-ray machines sa lahat ng MRT-3 stations para mapabilis ang pila ng pasahero. Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, ito raw ang dahilan ng mahabang pila sa tren.
“Sa ibang bansa, walang X-ray sa subway. Pero safe pa rin, kasi advanced na ang tech nila,” ani Dizon. Target nila, sa tulong ng DICT, ay maglagay ng modernong security system para tuluyang alisin ang X-ray.
Ngayong Lunes, sinamahan ni Dizon si DICT Sec. Henry Aguda sa pag-inspeksyon sa ilang istasyon— utos mismo ni Pangulong Marcos para guminhawa ang biyahe ng mga commuter.
Tatlong 4-coach trains na ang bumibiyahe tuwing rush hour! Kayang isakay ng bawat tren ang 1,500 pasahero— mas marami, mas mabilis.
Dagdag pa riyan, may K-9 units at pulis sa lahat ng 13 istasyon para sa seguridad.
Posibleng may dagdag pa na tren sa tulong ng Sumitomo, ang maintenance provider ng MRT-3. Kausap din ni Dizon ang LRT-1 at LRT-2 para sa parehong plano. | via Lorencris Siarez | Photo via YugaTech
#D8TVNews #D8TV