Rumatsada ang Team Pilipinas sa Day 2 ng 33rd Southeast Asian Games sa Thailand, matapos umulan ng gold, silver at bronze medal sa gymnastics, jiu-jitsu, boxing, football at iba pang events.
Muling nagningning bilang Reyna ng Women’s Vault si Aleah Finnegan, ang Paris Olympian sa Gymnastics.
Ang jiu-jitsu warriors, hindi rin nagpahuli: Sina Dean Roxas at Kimberly Custodio parehong nag-uwi ng ginto sa kani-kanilang ne-waza divisions.
Sa boxing, walo na ang siguradong bronze ng Pilipinas.
Pasok sa semis sina Jay Brian Baricuatro at Ofelia Magno, pero sabi ng Association of Boxing Alliances in the Philippines o ABAP, hindi sapat ang bronze at gold ang target.
Sa swimming, silver medallist si Kayla Sanchez sa 50m backstroke.
Kabilang si Kayla sa mga unang nakasungkit ng gold sa 4×100 relay noong unang araw ng kumpetisyon.
At sa volleyball, bigong umarangkada ang Alas Pilipinas matapos matalo sa Thailand sa straight sets. Do-or-die sila mamaya kontra Singapore.
Sa kabuuan, umaakyat na ang Pilipinas sa Top 5 ng medal tally, bitbit ang 5 golds, 7 silvers at mahigit 21 bronze medals.
