Pilipinas, sumabak na sa isa sa pinakamalaking laban sa volleyball!

Inilabas na ng Philippine National Volleyball Federation ang final roster ng Alas Pilipinas para sa FIVB Volleyball Men’s World Championship na ginaganap dito sa bansa.

Bida sa lineup sina Bryan Bagunas at Marck Espejo na mga bayani ng silver medal finish ng Pilipinas sa 2019 SEA Games at naging bahagi rin ng Asian Games 2021 sa Hangzhou.

Kasama rin sa koponan sina Josh Ybanez, Joshua Retamar, Vince Lorenzo, Kim Malabunga, Jade Disquitado, Jack Kalingking, Peng Taguibolos, Leo Ordiales, Eco Adajar, Lloyd Josafat, Louie Ramirez, Michaelo Buddin sa ilalim ng coach na si Angiolino Frigoni.

Nagsimula na ang torneo kanina sa Mall of Asia Arena kung saan 32 teams ang nagtatagisan. Unang makakaharap ng Alas Pilipinas ang Tunisia at tiyak na todo suporta ang bayan para sa ating pambansang koponan. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo Courtesy to @jackmarion_

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *