Ayon sa ulat ng Climate Central, pangatlo ang Pilipinas sa Asya sa bansang nakaranas ng pinakamatinding init dulot ng climate change nitong huling tatlong buwan.
Sa loob ng 74 araw, umabot ang init sa Climate Shift Index (CSI) level 2 o mas mataas—patunay na epekto ito ng global warming. Mahigit 200,000 Pilipino ang nalantad sa matinding init, na maaaring magdulot ng health risks.
Kasama rin ang Maynila sa pinakainit na megacities sa mundo, na nagtala ng 69 araw ng extreme heat. Mas mainit lang nang bahagya ang Lagos, Nigeria (89 araw) at Tamil Nadu, India (81 araw).
Sa Asya, nanguna ang Brunei (83 araw) at Maldives (81 araw) sa matinding init. Pumasok din sa top 10 ang Indonesia, Sri Lanka, at Malaysia.
Babala ng mga eksperto: patuloy na lalala ang init kung hindi maaampat ang paggamit ng fossil fuels tulad ng coal at langis. Handa ba ang Pilipinas sa mas matinding init sa hinaharap? | via Lorencris Siarez | Photo via bodyshopbusiness.com
#D8TVNews #D8TV