Phreatic eruption, posible dahil sa pagyanig sa Mt. Kanlaon

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong Lunes, September 15, ng mataas na posibilidad ng steam-driven phreatic eruption sa Mt. Kanlaon matapos ito yanigin ng volcano-tectonic (VT) na lindol.

Sinabi Phivolcs Director Teresito Bacolcol na ang pagtaas ng seismic activity at senyales ng pressurization ay posibleng mag-udyok ng weak to moderately explosive eruptions. Giit pa niya, higit na tumaas ang banta ng pagsabog nito ngayon kumpara sa mga nakaraang araw.

Dagdag pa ni Bacolcol, ang pagdami ng VT earthquakes ay senyales ng paggalaw at pagbiyak ng mga bato sa ilalim ng bulkan, at ito ang nagiging rason para sa pag-angat ng pressure at gas.

Inabisuhan ng Phivolcs na manatiling alerto at mapagmatyag ang publiko. | via Kai Diamante, D8TV News | Photos via PAF, PHIVOLCS

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *