PHIVOLCS, nagbabala sa posibleng lahar sa Mayon Volcano

Nagbabala ang mga otoridad sa mga residente ng Albay sa posibleng pag-agos ng lahar mula Bulkang Mayon bunsod ng inaasahang masamang panahon dala ng Bagyong Ada.

Ayon sa Phivolcs, ang malakas na ulan bagyo ay maaaring magdulot ng volcanic sediment flows o lahar mula sa bulkan, na nananatili sa Alert Level 3.

Kapag humalo ang ulan sa mga naipong abo at bato mula sa patuloy na pagputok ng bulkan, maaari itong maging mainit at mapanganib na lahar.

Posibleng maapektuhan ang mga lugar na malapit sa Mi-isi, Bonga, Basud, at Binaan channels, kabilang ang ilang barangay sa Daraga, Legazpi City, Sto. Domingo, at Guinobatan.

Babala ng Phivolcs, maaaring bahain, matabunan, o matangay ang mga bahay sa daluyan ng lahar.

Dagdag pa ng ahensya, maging mapagmatyag, sumunod sa abiso ng lokal na pamahalaan, at laging unahin ang kaligtasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *