Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa publiko na mag-ingat laban sa posibleng lahar mula sa Bulkang Mayon. Ayon sa kanilang abiso, ang shear line ay maaaring magdulot ng matinding pag-ulan sa rehiyon ng Bicol, lalo na sa Albay.
Dahil dito, posibleng magkaroon ng lahar o mudflows sa mga ilog at daluyan ng tubig na malapit sa bulkan. Ang malalakas na pag-ulan ay maaaring magdala ng natitirang abo at pyroclastic deposits mula sa mga pagsabog noong 2018 at 2023, na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho sa mga komunidad sa ibaba ng bulkan.
Ang mga apektadong daluyan ng tubig ay kinabibilangan ng Mi-isi, Mabinit, Buyuan, Bonga, Basud, at iba pa sa lalawigan ng Albay. Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga awtoridad upang maiwasan ang peligro. – via Allan Ortega
Phivolcs: Maging mas mapagmatyag laban sa posibleng lahar mula sa Bulkang Mayon
