Namataan ang isang Philippine eagle sa Mt. Sinaka sa Cotabato, dalawang taon matapos itong huling makita. Ang agila ay nakitang lumilipad sa dulo ng kagubatan sa ikalawang semestral monitoring nito mula November 4 hanggang November 7, 2025.
Ayon sa mga wildlife experts, ang pagkawala ng agila sa loob ng dalawang taon ay maaring dulot ng kakulangan ng pagkain, pag-iwas sa kompetisyon, at dispersal behavior ng mga agila.
Patuloy rin itong humaharap sa iba’t ibang banta tulad ng pagkawala ng tirahan, pangangaso, deforestation o pagkawala ng mga gubat na tumagal na ng halos tatlong dekada.
Binigyan-diin naman ng mga conservationists na ang pinakahuling sighting ng agila ay isang positibong indikasyon ng mga patuloy na isinasagawang hakbang para maprotektahan at mapangalagaan ang wildlife sa Mt. Sinaka, na kinikilala bilang isang key biodiversity area sa probinsya.
Ayon sa DENR-12, ang pagdeklara ng Mt. Sinaka bilang isang critical habitat ay nagbigay ng pagkakataon para masuportahan ang patuloy na pananaliksik, mga programa sa konserbasyon, at mga sustainable management practices na mahalaga para sa kaligtasan ng Philippine eagle at iba pang mga endangered species sa lugar. | via Anne Jabrica, D8TV News Intern
