PhilHealth, may P129.8-B na dagdag-pondo para sa mas malawak na benepisyo

May ₱129.8 bilyon na pondo ang PhilHealth na ilalaan para sa pagpapalawak ng mga benefit package, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Layunin nito na mapababa ang out-of-pocket expenses o sariling gastos ng mga pasyente sa pagpapagamot.


Ayon sa pamahalaan, bahagi ng pondong ito ang ₱60 bilyon na isasauli, bilang pagsunod sa desisyon ng Korte Suprema.

Gagamitin ang kabuuang pondo upang mas palakasin ang mga benepisyong pangkalusugan at masigurong mas maraming Pilipino ang makinabang sa serbisyong medikal.


Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ang dagdag-pondo ay patunay ng suporta at tiwala ng mga mambabatas at ng Pangulo sa Department of Health.

Sa ilalim ng GAA 2026, layon ng pamahalaan na higit pang mapalawak ang access ng publiko sa Universal Health Care, lalo na para sa mga mahihirap at nangangailangan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *