Iginiit ng Philippine Navy nitong Martes na walang katotohanan ang mga pahayag na nasa kustodiya o “protection” ng Philippine Marine Corps si whistleblower Orly Guteza at ang kanyang pamilya.
Ayon kay Navy spokesperson Captain Marissa Arlene Martinez, agad silang nagsagawa ng masusing beripikasyon at intelligence validation nang lumutang muli ang isyu.
Lumabas sa kanilang pagsusuri na hindi nasa kahit anong kustodiya, bantay, o proteksyon ng Marines si Guteza.
Giit ng Navy, walang basehan, walang ebidensya, at walang katotohanan ang mga kumakalat na alegasyon. | via Allan Ortega
