PH Real Estate 2025: Tuloy ang paglago kahit may global uncertainty

Patuloy ang paglago ng real estate sector ng Pilipinas sa unang kalahati ng 2025, ayon sa Santos Knight Frank. Nangunguna ang office market, lalo na sa Metro Manila, dahil sa patuloy na expansion ng mga BPO companies. Umabot sa 192,000 sqm ang netong pag-okupa ngayong taon, at target pa ang mahigit 403,000 sqm bago matapos ang 2025.

Mataas pa rin ang demand sa Makati at Taguig, kung saan pinakamababa ang vacancy rate (15%) at pinakamataas ang rental rate (₱1,248/sqm/month).

Sa residential sector, itinuturing na ngayon ang Maynila bilang “affordable luxury market”, ika-9 sa Prime Global Cities Index, may 5.5% pagtaas sa presyo. Nangunguna pa rin ang Forbes Park (₱825,000/sqm) sa prime villages.

Lumalakas din ang industrial sector sa Calabarzon at Central Luzon, na may rentang ₱230–₱290/sqm/month. Paborito ito ng manufacturing, pharma, at cold storage companies.

Sa hospitality sector, bumabalik ang mga iconic hotels tulad ng Sofitel (Cebu) at InterContinental (New Clark City). Mas marami pang high-end hotels ang inaasahang itatayo para sa mga turistang may mataas na gastos. | via Lorencris Siarez | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *