PH, nasungkit ang 2nd gold sa Thailand SEA Games; Cambodia nag-withdraw

Muling nakasungkit ng gintong medalya ang Pilipinas sa Thailand Southeast Asian Games. Nakamit ang pangalawang ginto ng bansa ng women’s swimming team.

Humataw ang kwartet nina Kayla Sanchez, Heather White, Chloe Isleta, at Xiandi Chua sa women’s relay matapos magtala ng 3:44.26 na oras. Naungusan nila ang Singapore at Vietnam, na nakakuha ng silver at bronze.

Unang nakakuha ng ginto para sa bansa si Justin Kobe Macario wagi sa men’s individual freestyle poomsae ng taekwondo.

Narito ang medal tally ng Pilipinas matapos ang isang araw ng kumpetisyon:

Ngayong araw, nakatakdang lumaban ang Alas Pilipinas women’s volleyball team kontra powerhouse Thailand.

Samantala, umatras ang buong koponan ng Cambodia sa Thailand Games.

Ito’s matapos tumindi ang tensiyon sa gitna ng magkaratig bansa bunsod ng airstrikes ng Thailand kamakailan.

Labintatlo pa ang karagdagang namatay ngayong linggo sa hidwaan at halos kalahating milyon nang sibilyan ang lumikas sa border areas ng parehong bansa. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *