PH, bukas sa oil exploration partnership sa ibang bansa – DOE

Bukas ang Pilipinas sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang bansa para sa posibleng joint oil at gas exploration, ayon kay Energy Secretary Sharon Garin.

Sinabi ni Garin na bagama’t may patuloy na pag-uusap sa China hinggil sa exploration sa West Philippine Sea, wala pa umanong konkretong kontrata na napipirmahan sa ngayon.

Ipinaliwanag din ni Garin na kinakailangan ang pakikipagtulungan sa mga bansang may kakayahan sa exploration, lalo na sa mga lugar na may overlapping claims tulad ng bahagi ng West Philippine Sea.

Batay sa datos ng DOE, tinatayang may mahigit 6 milyong bariles ng langis at higit 7 bilyong cubic feet ng natural gas ang maaaring matuklasan sa nasabing karagatan.

Isa sa mga tinutukoy na sagana sa likas na yaman ay ang Recto Bank o Reed Bank, na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas ngunit kabilang sa inaangking teritoryo ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *