PH at Cambodia mas pinatatag ang ugnayan

Muling pinagtibay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Manet ang matatag na ugnayan ng Pilipinas at Cambodia, kasabay ng panawagan na palawakin pa ang kooperasyon sa kalakalan at depensa.

Ayon kay Pangulong Marcos, mas lumago ang kalakalan ng dalawang bansa mula 2023, partikular sa pag-export ng mga sasakyang gawa sa Pilipinas patungong Cambodia. Iginiit din niya ang kahalagahan ng pagtutulungan sa depensa upang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

Samantala, nagpasalamat si PM Hun Manet sa mainit na pagtanggap sa kanyang opisyal na pagbisita sa Pilipinas noong Pebrero. Hinimok rin niya ang ASEAN na samantalahin ang mga bagong oportunidad sa kabila ng global trade disruptions, aniya, “may libu-libong produktong puwedeng pagtulungan.” Ang relasyong bilateral ng Pilipinas at Cambodia ay itinatag noong 1957 at patuloy na lumalawak sa larangan ng kalakalan, turismo, edukasyon, at depensa. | via Dann Miranda | Photo via Bongbong Marcos’ FB Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *