Perplexity AI, nag-alok ng $34.5-B para bilhin ang Chrome browser

Nabulabog ang tech world! Perplexity AI, isang AI start-up na may halagang USD14 bilyon, nag-alok ng USD34.5 bilyon para bilhin ang Chrome browser ng Google (na pag-aari ng Alphabet).

Medyo “modest” daw ang offer kung ikukumpara sa laki ng Chrome, pero grabe naman may higit 3 bilyong users ito! Plano ng Perplexity gamitin ang Chrome bilang panglaban sa AI search race.

Samantala, si Google ay todo harap sa regulatory pressures at nagbabalak pang umapela laban sa US court ruling na nagsasabing illegal monopoly raw sila sa internet search.

Ayon sa Reuters, may ilang malalaking pondo na handang mag-finance ng buong deal. Kung matutuloy ito, puwede itong maging plot twist ng dekada sa tech wars. | via Allan Ortega | Photo via WAM

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *