Tatlong lugar sa bansa ang inaasahang makakaranas ng heat index na nasa “delikadong” antas ayon sa PAGASA, na maaaring magdulot ng automatic na pagkansela ng klase sa ilang lugar.
Ayon sa PAGASA, ang mga sumusunod na lugar ay magkakaroon ng heat index mula 42°C hanggang 51°C sa Lunes:
• Science Garden, Quezon City – 46°C
• Clark Airport, Pampanga – 46°C
• CLSU Muñoz, Nueva Ecija – 45°C
Ang heat index ay ang temperatura na tunay na nararamdaman ng katawan ng tao, na kontra sa aktuwal na temperatura ng hangin.
Ayon sa PAGASA, ang heat index sa antas na 42°C hanggang 51°C ay mapanganib, kung saan posible ang heat cramps at heat exhaustion, at may posibilidad ng heat stroke sa patuloy na pagkabilad sa init.
Dahil dito, inihayag ng Caloocan City na lilipat sa online o asynchronous classes ang mga pampublikong paaralan mula kindergarten hanggang senior high school ngayong Lunes. Ang desisyon para sa pribadong paaralan ay nakasalalay sa kanilang pamunuan. – via Allan Ortega
Peligrong init ng panahon sa 3 lugar ngayong Lunes
