
Kalaboso ang dalawang drug suspek matapos ang matagumpay na anti-drug operation ng PDEA at PNP sa South Green Heights Village, Brgy. Putatan, nitong umaga ng Marso 14.
Nasamsam ang tinatayang 50 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P340 milyon! Nakapaloob ito sa mga golden aluminum packs at vacuum-sealed orange packs na may label na “Cote d’Ivoire”.
Kinilala ang mga nadakip na sina alias Tita Joy at Liezel, na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.
Tiniyak ng PDEA at PNP ang patuloy nilang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko. | via Lorencris Siarez | Photo via PDEA