Sinira at isinara ng pinagsanib na puwersa ng PDEA RO-4A Special Enforcement Teams, PDEA Rizal Provincial Office, at Rizal Provincial Intelligence Team ang isang drug laboratory sa Sitio Pinyahan, Barangay San Jose, Antipolo City noong Nobyembre 16, 2025, alas-2 ng madaling-araw.
Naaresto ang isang high-value target na si alias Joel, 40, caretaker. Samantala, tumakas naman sina alias Choi Minsoo o Jazz, isang Korean-American, at alias Pai.
Narekober sa operasyon ang humigit-kumulang 300 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱900,000; tatlong plastik na bote ng liquid shabu; iba’t ibang kemikal at kagamitan para sa drug manufacturing; at buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 8, 10, at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kabilang ang conspiracy to sell, paggawa, at pagmamay-ari ng ilegal na droga at paraphernalia. | via Allan Ortega
