Mahigit P57.09 bilyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa ilalim ng kampanya kontra droga ng administrasyong Marcos, ayon sa PDEA. Kabilang dito ang 7,379 kg ng shabu, 89 kg ng cocaine, 127,394 ecstasy tablets, at 7,123 kg ng marijuana mula Hulyo 2022 hanggang Pebrero 2024.
Sa 100,731 operasyon na isinagawa, 136,051 na drug suspects ang naaresto, kabilang ang 8,709 high-value targets. Dagdag pa rito, 1,354 drug dens at 3 shabu laboratories ang nadismantle.
Sa 42,000 barangay sa bansa, 29,390 na ang idineklarang “drug-cleared” habang 6,113 pa ang nililinis.
Sa kanyang SONA noong Hulyo, muling iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpapatuloy niya ang kampanya laban sa droga nang walang patayan! | via Allan Ortega | Photo via PDEA
#D8TVNews #D8TV