PDEA, nasamsam ang ₱3.4-M halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Maynila

Isang drug personality ang bumagsak sa kamay ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Tondo, Maynila.

Arestado ng mga operatiba ng PDEA NCR at iba pang ahensiya si alyas “Kuya” matapos magbenta umano ng malaking halaga ng shabu sa isang operatiba sa Lakandula Street, Barangay 26, Zone 2 sa Tondo.

Nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu na nasa limang nakabuhol na transparent plastic bag at nakalagay sa isang paper bag.

Tinatayang nasa 3.4 million pesos ang halaga ng nakumpiskang droga.

Narekober din ang isang tunay na ₱1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money na nakapatong sa boodle money, pati na ang dalawang cellphone.


Mahaharap ang naarestong suspek sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *