Nasabat ng PDEA ang aabot sa ₱686.8 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga nitong Mayo 14, 2025!

Ayon kay PDEA Director General Usec. Isagani R. Nerez, nadakip ang dalawang suspek na sina alyas Wang, 31, isang Chinese national na residente ng Clark, at alyas Shania, 24, tubong Tarlac City.
Dakong 11:35 AM, sinabak ng PDEA, kasama ang AFP at PNP, ang operasyon sa Friendship Highway, Brgy. Sto. Domingo kung saan narekober ang 96 tea bags at 5 plastic bags na naglalaman ng tinatayang 101 kilo ng shabu!
Nakuha rin ang Toyota Sienna, mga cellphone, at lisensya.
Kakasuhan ang dalawa sa ilalim ng RA 9165 — Section 5 (Sale) at Section 11 (Possession) ng Dangerous Drugs. | via Allan Ortega | Photo via MSN
#D8TVNews #D8TV