Isa na namang drug den ang matagumpay na nabuwag ng mga otoridad sa Negros Oriental.
Sinalakay ng PDEA-Negros Oriental at Sibulan Police ang drug den sa Purok 5, Brgy. Magatas, Sibulan Martes bandang alas dos ng hapon.
Nasamsam sa lugar ang labingisang sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, mga lighter at aluminum foil strips, na karaniwang ginagamit sa paggamit ng droga.
Nahuli ang tatlong suspek na nakilalang sina “Roger” (62), “Geraldine” (39) at “Jiovani” (36)—pawang mga residente ng Brgy. Magatas.
Isa pang kasabwat na si “Mary Ann” ang nakatakas at patuloy na pinaghahanap.
Mahaharap ang nahuling mga suspek sa mga paglabag ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.
