Noong Pebrero 23-24, 2025, nagsagawa ng dalawang araw na operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at ang Philippine National Police-Kalinga sa Barangay Romualdez, Rizal, Kalinga, kung saan winasak nila ang halos P 6,400,000.00 halaga ng tanim na marijuana.
Nasa 32,000 piraso ng ganap na lumaking halamang marijuana ang binunot mula sa isang lupaing may sukat na humigit-kumulang 3,200 square meter. Gayunpaman, walang nahuling nagtatanim o nag-aalaga ng mga halaman sa operasyon.
Ayon kay Regional Director Derrick Arnold C. Carreon, ang pagsalakay ay nagresulta sa pagkasira ng maraming taniman ng marijuana sa buwang ito, kasunod ng kamakailang pagkakakumpiska ng P 6 milyon halaga ng tanim na marijuana sa Benguet. – via Allan Ortega | Photo via PDEA
PDEA nakakumpiska ng P6.4 Milyong halaga ng plantasyon ng Marijuana sa Kalinga
