Matagumpay na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office I, sa pangunguna ng Pangasinan Provincial Office, ang isang High Impact Operation (HIO) noong Nobyembre 18, 2025, sa liblib na barangay ng Kayapa, Bakun, Benguet.
Nilakbay ng magkasanib na puwersa ng PDEA at lokal na pulisya ang mabatong lupain at plantasyon upang tuklasin at sirain ang ilegal na taniman.
Humigit-kumulang 2,000 metro kuwadrado ng lupain ang nalinis, at narekober ang libu-libong marijuana na may pinagsamang halaga na โฑ3.48 milyon.
Ani PDEA Regional Director Atty. Benjamin G. Gaspi, bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng PDEA laban sa pagtatanim ng ilegal na droga sa mga malalayong lugar at upang pigilan ang marijuana na makapasok sa lokal at rehiyonal na pamilihan.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy at mahuli ang mga responsable sa mga ilegal na plantasyon. | via Allan Ortega
