Nagpahayag ng matinding pagkabahala ang Philippine Commission on Women (PCW) sa lumalalang kaso ng “sexualization” at “objectification” ang mga babae sa mga advertisements.
Sa isang pahayag noong Martes, July 29, mariing kinondena ng PCW ang ganitong klase ng advertisements.
Dagdag pa nila, hindi katanggap-tanggap ang ganitong klase ng diskarte upang bumenta sa mga tao dahil hindi ito makatao.
Anila, hindi lang bumababa ang tingin ng mga tao sa mga babae dahil dito, kundi umaapak at sumisira din ito sa dignidad at karapatan nila bilang tao.
“These materials not only demean and devalue women; they actively normalize harmful gender stereotypes and undermine their dignity and rights as humans,” saad ng PCW.
Binigyang diin din ng PCW ang kahalagahan ng Republic Act No. 9710 or the Magna Carta of Women at Republic Act No. 11313 or the Safe Spaces Act, na parehas tumatalakay sa karapatan ng kababaihan laban sa “sexualization” at “objectification.”
Bukod sa dalawang batas na ito, nilalabag din ng ganitong klase ng advertisements ang “Philippine Government’s Gender-Fair Media Guidebook” na nagsisilbing gabay ng media at advertisers sa maayos at makataong paglalarawan ng kababaihan.
Bilang tugon sa dumaraming kaso ng “sexualization,” nanawagan ang PCW sa mga “concerned entities,” kabilang ang isang “e-commerce platform” na tanggalin ang ganitong uri ng contents.
Dagdag din dito, humingi rin ang ahensya sa publiko na hangga’t maaari, i-report ang ganitong uri ng content.
“Let your opinion as consumers raise the alarm: the objectification of women must never be normalized, especially in digital spaces that shape perceptions globally.” ani PCW. | via Florence Alfonso, D8TV News Intern | Photo via PCW
#D8TVNews #D8TV