PCSO una sa rumesponde sa biktima ng lindol sa Davao

Mabilis na rumesponde ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para tulungan ang mga biktima ng 7.6-magnitude na lindol sa Davao Region nitong Biyernes.
Pinangunahan ng PCSO Davao Branch ang relief operations kasama ang Authorized Agent Corporations (AACs) kabilang ang Jambhala Gaming Corp., Felicity Games & Amusement Corp., at Plutus Gaming Corp.
Dahil sarado ang mga daan patungong Manay, agad na dinala ang tulong sa Tarragona, kung saan 500 pamilya ang nabigyan ng relief goods.
Nagpasalamat ang PCSO sa lahat ng AAC partners sa buong bansa sa walang sawang pagtulong, at tiniyak ang mas matibay na kooperasyon sa LGUs at ibang ahensya para sa patuloy na suporta sa mga apektadong Pilipino sa panahon ng kalamidad. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *