PCSO nagsagawa ng Charity Summit 2025

Magkakaroon ng Charity Summit 2025 ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Biyernes, sa Manila Hotel’s Centennial Hall, na may temang “Serving More Through Greater Collaboration.”

Dadaluhan ito ng humigit-kumulang 200 kalahok mula sa national at local government, partner institutions, at beneficiaries upang palakasin ang pagtutulungan at mapalawak ang abot ng mga programang makatao ng PCSO.

Magbibigay ng welcome message ang PCSO Board of Directors, susundan ng keynote address ni DSWD Undersecretary Monina Josefina Romualdez.

Ilalahad naman ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang mga nagawa at epekto ng charity programs.

Magbibigay rin ng mensahe ng suporta si San Juan Mayor Francis Zamora at ipapaliwanag ni Ryan Joseph Sarte ng Presidential Action Center ang updates sa kanilang programa.

Kasama rin sa tatalakayin ang PhilHealth benefit packages, DSWD accreditation process, at mga pananaw ng Philippine Red Cross tungkol sa humanitarian work.

Highlight ng event ang open forums, exhibits, networking, at ang “Commitment Wall” kung saan mag-iiwan ng handprints ang mga kalahok bilang simbolo ng pangako sa public service. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *