Sinalubong ng tulong ang mga binahang pamilya sa Maguindanao del Sur matapos lumipad ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Office of Civil Defense (OCD), at Philippine Air Force (PAF) gamit ang C-130 aircraft nitong Linggo para magdala ng 2,500 “ChariTimba” relief packs!
Ayon sa OCD, ito ay utos mismo ni Presidente Bongbong Marcos Jr. – mabilisang aksyon para sa nasalanta ng baha. Personal na pinangunahan nina PCSO GM Mel Robles at OCD USec Ariel Nepomuceno ang pagkakarga ng mga relief goods sa Villamor Air Base, Pasay.
Laman ng mga ayuda: bigas, de-lata, noodles, at tubig. Ito na ang ikalawang bugso ng tulong, matapos ang 1,000 packs na naipamahagi noong Sabado.
Sabi ni Robles, “Laging handa ang PCSO. May sistema na kami para sa mabilis na delivery kahit kailan kailangan.” Dagdag pa ni Nepomuceno, sapat ang 2,500 packs para sa 1,639 pamilyang apektado sa 149 barangay.
Sa mga liblib na lugar na hindi madaanan ng sasakyan, Aerial delivery ang sagot gamit ang tulong ng militar, habang sa iba, katuwang ang LGUs sa pamamahagi.
Paniniguro ng gobyerno: Walang maiiwan sa pagbibigay ng tulong! | via Lorencris Siarez | Photo via PNA/Avito Dalan
#D8TVNews #D8TV