Nagsagawa ng isang espesyal na block screening ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO para sa pelikulang The Lotto Winner.
Dumalo sa event sa SM Megamall kagabi ang ilang opisyal ng ahensya pati na ang mga bida ng pelikula.
Inihandog ito ng PCSO para sa kanilang mga empleyado at government agency partners bilang bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya.
Kabilang sa mga dumalo sina award-winning actor Albert Martinez, aktres na si Kylie Padilla, direktor na si RC Delos Reyes, at si PCSO General Manager Melquiades Robles.
Ang pelikula, na produced in collaboration with PCSO, ay hindi lamang umiikot sa pantasya ng pagkapanalo ng milyon-milyon sa lotto.
Sa halip, tinatalakay nito ang mas malalim na tema ng pamilya, responsibilidad, at emosyonal na sakripisyo.
Nagsimulang ipinalabas noong February 18 ang The Lotto Winner at patuloy na mapapanood sa mga sinehan. | via Imee Gatchalian
