PCSO, naghatid ng libreng serbisyong medikal at dental sa Cabuyao

Umabot sa 165 residente ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal at dental sa medical mission ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Nobyembre 26, 2025 sa Brgy. Casile, Cabuyao City, Laguna, katuwang ang Kings Ambassador International Church.


Pinangunahan ito ng PCSO Medical Services Department, na nagbigay ng medical consultation, tooth extraction, at electrocardiogram (ECG) para matulungan ang mga residente na magkaroon ng agarang atensyong pangkalusugan.


Tiniyak ng PCSO na magpapatuloy ang kanilang libreng medical outreach upang mas marami pang Pilipino ang mabigyan ng kinakailangang serbisyong pangkalusugan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *