PCSO, nagbigay ng 82 patient transport vehicles sa Western Visayas at Negros Island Region

Nagbigay ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng 82 Patient Transport Vehicles (PTV) sa Bacolod New Government Center ngayong araw, Nobyembre 25, 2025, sa mga lalawigan ng Western Visayas at Negros Island Region.


Ang turnover ay bahagi ng Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP) na layong maghatid ng ligtas, mabilis, at maaasahang transportasyon para sa mga pasyenteng kailangang dalhin sa pinakamalapit na ospital lalo na sa mga lugar na kulang ang access sa emergency transport.


Ayon sa PCSO, bahagi ito ng kanilang pinalalawak na inklusibong serbisyong pangkalusugan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Na ilapit at pabilisin ang serbisyo ng gobyerno para sa bawat pilipino. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *