Pinangunahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang isang nationwide humanitarian caravan patungong Cebu at Masbate, katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Light Rail Transit Authority (LRTA).
Luluwas ngayong Oktubre 5, 2025, ang PCSO Aid Caravan bilang pagpapatibay sa pangako ng pamahalaan na maghatid ng maagap, maayos, at makataong tulong sa mga komunidad na matinding naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.
Ipinapakita ng pinagsamang misyong ito ang tunay na diwa ng bayanihan—ang pagkakaisa ng mga ahensya, volunteers, at donors upang matiyak na makarating ang tulong kahit sa mga pinakamalalayong lugar ng bansa.
Sa mga numerong nakuha ng D8TV Repertorial Team, nasa 18,220 Charitimba packs, 4,041 evacuation kits, 664 boxes of medicines, 7,974 additional relief items from Authorized Agent Corporations (AACs), ₱6,027,876.25 total value of donations at ₱2,320,000 pledged cash support.
Sa Cebu, aarangkada ang 3 PCSO bus, 11 PTVs, at 5 MMDA dump trucks na naglalaman ng mga relief good.
Habang 6 PCSO wing vans at 1 PTV unit naman ang susuyod sa mga kalupaang naapektuhan ng bagyo sa Masbate.
Pinatitibay ng caravan ang nagpapatuloy na mga hakbang sa rehabilitasyon, upang matiyak ang tuloy-tuloy na presensya ng pamahalaan at ang walang patid na paghahatid ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan.
Sa nagkakaisang pahayag ni PCSO General Manager Melquiades A. Robles, MMDA Chairman Atty. Romando S. Artes at LRTA Administrator Atty Hernando R. Cabrera na muling pinatunayan ng Sambayanang Pilipino na walang hamong hindi kayang pagtagumpayan kapag tayo’y nagkakaisa.
Dagdag pa nila, na ang matatag na diwa ng bayanihan ay nagpapaalala sa atin na ang habag at pagkakaisa ang pinakapuso ng ating pagkatao bilang isang bansa. | via Andres Bonifacio, Jr.
