PCSO aid caravan, nakarating sa tinamaan ng bagyo na Masbate

Dalawampu’t isang bayan sa Masbate na patuloy pa ring bumabangon mula sa hagupit ng Bagyong Opong (Bualoi) ang nakatanggap ng tulong at serbisyong medikal mula sa aid caravan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).


Ayon sa PCSO, umabot ang caravan sa Masbate City at sa mga bayan ng Aroroy, Baleno, Balud, Cataingan, Cawayan, Dimasalang, Esperanza, Mandaon, Milagros, Mobo, Palanas, Pio V. Corpuz, Placer, Uson, San Jacinto, Batuan, Monreal, San Fernando (Ticao Island), Claveria at San Pascual (Burias Island).
Mula Metro Manila noong Oktubre 5, nagdala ang PCSO ng anim na wing van na puno ng “Charitimba” survival kits at isang Patient Transport Vehicle (PTV), katuwang ang MMDA at LRTA. Bawat LGU ay binigyan din ng emergency lights at mga lalagyan ng tubig.


Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, “Ang tunay na malasakit ay patuloy na pagdamay hindi lang tulong, kundi pag-asa.”


Nagpasalamat naman si Masbate Mayor Ara Kho, na nagsabing malaking tulong ang natanggap nilang Charitimba at PTV, lalo na sa mga liblib at baybaying barangay.


Simula nang manalasa si Opong, kabilang ang PCSO sa mga unang rumesponde sa Masbate, nagdadala ng tulong, gamot, at pag-asa sa mga nasalanta. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *