PCO Chief, nagbitiw na sa tungkulin

Inanunsyo ni Communications Secretary Cesar Chavez noong Huwebes na nagbitiw na sya sa kanyang posisyon bilang acting secretary ng Presidential Communications Office (PCO).
Isinumite niya ang kanyang “irrevocable resignation” Pebrero 5, na magiging epektibo sa Pebrero 28, 2025, o mas maaga kung may maitalagang kapalit.

Ayon kay Chavez, aalis siya sa posisyon ngunit mananatiling sumusuporta sa administrasyon habang ipagpapatuloy ang serbisyo publiko sa labas ng gobyerno. Aminado siyang hindi niya lubos na natugunan ang mga inaasahan, ngunit ipinahayag ang pasasalamat at patuloy na pag-asa para sa bansa.

Bago maging pinuno ng PCO, nagsilbi siya bilang Undersecretary for Rails sa Department of Transportation. Pansamantalang hahalili sa kanyang pwesto si Communications Undersecretary Emerald Ridao. – via Benjie Dorango

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *