Inutusan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang lahat ng appointees ni Pangulong Marcos sa Presidential Communications Office (PCO) at mga kaugnay na ahensya na maghain ng “unqualified courtesy resignations” para bigyang-laya si acting PCO Secretary Jay Ruiz sa kanyang tungkulin.
Ayon sa memorandum noong Pebrero 25, may hanggang Pebrero 28 lang ang mga opisyal para magbitiw. Ngunit lumabas na ilang ahensya ay natanggap lang ang utos isang araw bago ang deadline.
Sakop ng direktiba ang mga presidential appointees na hindi permanente ang posisyon, pati na ang mga nasa acting capacity o holdover status sa mga government-owned corporations na konektado sa PCO.
Inutusan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang lahat ng appointees ni Pangulong Marcos sa Presidential Communications Office (PCO) at mga kaugnay na ahensya na maghain ng “unqualified courtesy resignations” para bigyang-laya si acting PCO Secretary Jay Ruiz sa kanyang tungkulin.
Ayon sa memorandum noong Pebrero 25, may hanggang Pebrero 28 lang ang mga opisyal para magbitiw. Ngunit lumabas na ilang ahensya ay natanggap lang ang utos isang araw bago ang deadline.
Sakop ng direktiba ang mga presidential appointees na hindi permanente ang posisyon, pati na ang mga nasa acting capacity o holdover status sa mga government-owned corporations na konektado sa PCO. – via Allan Ortega | Photo via pco.gov.ph
PCO appointees pinagre-resign!
